top of page

Night Owl: A Nationbuilder’s Manual (Tagalog)

Price

₱1,200.00

Title of the Book: Night Owl: A Nationbuilder’s Manual
ISBN: 978-621-96635-7-1 (Hardbound); 978-621-96635-9-5 (Paperback)
Author: Anna Mae Yu Lamentillo
Publisher: Manila Buletin Publishing Corporation
Publisher Address: Manila Bulletin Publication, Muralla corner Recoletos Streets, Intramuros, Manila
Editor: AA Patawaran, Richard De Leon
Book Layout: Christian John Santos
Photography: DPWH, Ken Jover, Hans Melvin Ang, Dmitri Valencia
Book Project Manager: Joncristian Gerrald Cheng Tan
Edition: 1st Edition
Language: Tagalog
Copyright: 2022
Format: Hardbound, Paperback
Pages: 384
Size: 23.5 cm x 16 cm

Book Cover Type

Quantity

Book Description

Ang Night Owl ay nagbibigay ng isang komprehensibong pagtingin sa programang Build, Build, Build, ang medium-term development strategy ni Pangulong Rodrigo Duterte para dalhin ang Pilipinas sa Golden Age of Infrastructure.

 

Ibinabahagi dito ang mga detalye ng mga gawain, reporma, at proyektong isinagawa ni Kalihim Mark Villar ng Department of Public Works and Highways mula sa mismong karanasan ng may-akda.

 

Binibigyang-liwanag ng Night Owl ang mga hamon, kritika, at mahihirap na desisyong kinaharap ng Build, Build, Build team at ang mga kinahinatnan nito.

 

Alamin ang mga nakaaantig na kuwento ng mga Pilipino na bumuti ang buhay sa pagtatapos ng mga kalsada, tulay, riles, mga proyektong pangontrol sa baha, paliparan, daungan at silid-aralan.

 

Ang Night Owl ay isang nakahihimok na pagsasalaysay ng paglalakbay ng Pilipinas sa pagbabago mula sa isang tiger cub economy patungo sa pagiging first world na bansa.

About the Author

Si Anna Mae Yu Lamentillo ay kasalukuyang Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations sa Department of Information and Communications Technology (DICT). Bago ito, siya ay Assistant Secretary ng Departamento sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Siya ang nangangasiwa sa estratehikong komunikasyon ng DICT, pinangangasiwaan din niya ang pakikipag- ugnayan sa ibang mga bansa, at nakikipag-ugnayan sa Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan upang matiyak ang pagsasabatas ng mga panukala na susuportahan ang mga pagsisikap ng pamahalaan sa digitalization.

 

Sa panahon ng Duterte Administration, siya ang chairperson ng Build, Build, Build Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at concurrent chairperson ng Infrastructure Cluster Communications Committee. Nagtrabaho rin siya sa United Nations Development Programme at sa Food and Agriculture Organization ng United Nations sa kanilang Haiyan Emergency Response and Rehabilitation Program.

 

Nagtapos siyang cum laude sa University of the Philippines Los Baños noong 2012 na may degree na Development Communications, kung saan nakapagtamo siya ng pinakamataas na General Weighted Average para sa Development Journalism Majors at nakatanggap ng Faculty Medal for Academic Excellence. Natapos niya ang kaniyang Executive Education in Economic Development sa Harvard Kennedy School noong 2018 at ang kaniyang Juris Doctor program sa UP College of Law noong 2020. Sa kasalukuyan ay aktibo siya sa pagkamit ng Executive MsC in Cities sa London School of Economics. Noong 2023, siya ay naging opisyal ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) na may ranggong Auxiliary Commodore (one-star rank).

 

Pinarangalan siya bilang “Natatanging Iskolar Para sa Bayan” at nakatanggap ng Oblation Statute for the Virtues of Industry and Magnanimity. Ipinagkaloob sa kanya ng Harvard Kennedy School Alumni Association ang Veritas Medal. Pinangalanan siya ng BluPrint bilang isa sa 50 ASEAN movers at shakers, ng Lifestyle Asia bilang isa sa 18 Game Changers, at ng People Asia bilang isa sa Women of Style and Substance ng 2019. Siya ay nagsusulat bilang Op-Ed columnist ng Manila Bulletin at Esquire Magazine.

 

Siya ang may-akda ng aklat na pinamagatang "Night Owl: A Nationbuilder's Manual," na inilathala ng Manila Bulletin. Ang aklat na ito ay isinalin sa apat na wika, ito ay Tagalog, Bisaya, Hiligaynon, at Ilokano.

bottom of page